Tatakbo ako. Hindi literal. Tatakbo ako bilang CASSC Chairperson. Mixed emotions. Excitement. Takot. Saya. Kaba. Lahat na ata ng pwedeng maramdaman, ramdam ko na. Overthink. Medyo. Nasubukan ko na kasing matalo, masakit, nakakawalang pag-asa. Pero ito ulit ako, sinusubukan ulit lumaban. Linalagay ang sarili ko sa posisyon na walang kasiguraduhan. Maraming rason. Maraming gustong gawin. Maraming gustong patunayan. Maraming gustong itulong. Maraming pagbabago ang nais gawin. Kulang sa lakas ng loob. Pero wala namang tigil sa pag-iipon,. Ayokong mapahiya pero sinusubukan kong maging handa kasi baka sakaling dun ko maovercome yung pagkaayaw ko magsalita in front of the crowd. Hahahahaha. Ang formal. Pero kinakabahan talaga ako. Real talk. I have a lot of ideas na naiisip pero kulang sa salita, sa organization, sa pagpapasharpen ng idea. Gusto ko magpasaya ng tao. Gusto kong magpangiti ng tao sa pagtulong. Yun lang naman e. Ayoko magpasikat, ayoko marecognize, ayokong pinagkakaguluh...