Morning thoughts

Its almost 5 AM. Di pa ko inaantok. Random thoughts and confusions overload. Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin sa buhay ko, kung anong gusto kong maramdaman, kung sinong gusto kong kalimutan, kung sinong gusto kong mahalin. Kung gaya ko bang magsimula ulit at iniisip ko kung may tatapusin nga ko kasi parang wala namang simula. Wala namang kami, walang naging kami pero his my ex something. Hindi ko alam. Ang dami kong naiisip dahil lang biglang may bagong staff sa guidance na dumating na kaname nya. Is it a sign na ituloy ko na yung resignation ko kasi kailangan ko ng layuan yun? OA. Hahaha. Oo then I tried to view his profile kanina and nakita ko yung post niya last June 30, 2015 "Forever and Always, Lord." I suddenly remembered na hindi man lang nya ko naalalang grineet. Maybe naalala nya pero wala siyang paki kaya di siya nag-greet. Ewan ko. Coincidence lang ba yun or nananadya? Ewan ko ba. Bat ang affected ko, alam ko naman na wala na. Two years na ang nakalipas Lesh. You have to move forward. You have to close some doors and try to let other people take part in your life where he left. Kailangan mong magtiwala ulit, give chances na yung ibang tao will not try to take your trust for granted. Yung tipong ang tunog forever na yan is hindi lang pang kemeng kanta.

Tigil na Lesh. Relax ka na lang. Oo. I've decided na bigyan na siya ng chance. Na bigyan din ng chance ang sarili ko sa ganitong bagay. Two years is enough. Sobra na masyadong time ang binibigay ko sakanya. Siguro nga ang daming flaws ng ngayon pero sige, we don't judge, we invetigate. Bahala na ang judgment ng ibang tao sakanya. What matters most is kung ano ang pagkakakilala ko sakanya and I know if given the chance, I will know the real him and whatever happens, I will try my best na tanggapin yun. Bahala na talaga. Ayoko ng matakot. Ayoko ng magkulong sa comfort zone ko. Everything happens for a reason. Kung magkamali man, edi magkamali. Kung hindi man siya, edi hindi. Pero at least I tried. Hahahahaha joke to.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hello Love,

hello love

thank you Lord