Takbo para sa kapwa estudyante.

Tatakbo ako. Hindi literal. Tatakbo ako bilang CASSC Chairperson. Mixed emotions. Excitement. Takot. Saya. Kaba. Lahat na ata ng pwedeng maramdaman, ramdam ko na. Overthink. Medyo. Nasubukan ko na kasing matalo, masakit, nakakawalang pag-asa. Pero ito ulit ako, sinusubukan ulit lumaban. Linalagay ang sarili ko sa posisyon na walang kasiguraduhan. Maraming rason. Maraming gustong gawin. Maraming gustong patunayan. Maraming gustong itulong. Maraming pagbabago ang nais gawin. Kulang sa lakas ng loob. Pero wala namang tigil sa pag-iipon,. Ayokong mapahiya pero sinusubukan kong maging handa kasi baka sakaling dun ko maovercome yung pagkaayaw ko magsalita in front of the crowd. 

Hahahahaha. Ang formal. Pero kinakabahan talaga ako. Real talk. I have a lot of ideas na naiisip pero kulang sa salita, sa organization, sa pagpapasharpen ng idea. Gusto ko magpasaya ng tao. Gusto kong magpangiti ng tao sa pagtulong. Yun lang naman e. Ayoko magpasikat, ayoko marecognize, ayokong pinagkakaguluhan. Hindi tumatakbo para makitrend. Tahimik lang naman kasi ako kaso takot ako na sa pagiging tahimik at mahiyain ko, dun maapektuhan ang performance ng council kung SAKALI MAN. A person in that position I guess should be very vocal. Pero handa naman ako matuto e. Hahahahahaha hindi ko alam kung san papunta mga sinasabi ko.

May kabilang party. As much as ayaw kong masaktan ang sarili ko, ayoko din naman kasing makasakit. Gusto kong manalo. Siyempre bat pa ko lalaban kung ayoko manalo diba? I am not good at handling situations like this pero kung ano man ang mangyari bahala na nga lang. Kakain na lang ako. Sorry na. Joke lang tong post na talaga na to. Praning here kasi. 

Pero totoo nga, tatakbo ako para sa kapwa estudyante ko. Para sakanila to at hindi para sa sarili ko. Para mapasaya sila kasi yun ang isa sa mga kasiyahan ko. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hello Love,

hello love

thank you Lord