I’M NOT TELLING YOU IT’S GOING TO BE EASY, BUT I’M TELLING YOU IT’S GOING TO BE WORTH IT.
I’M NOT TELLING YOU IT’S GOING TO BE EASY, BUT I’M TELLING YOU IT’S GOING TO BE WORTH IT. Ginagawa ko ‘to para sabihin sa mga tao na lahat tayo may kanya-kanyang problema at laban na pinagdadaanan, ginawa ko to para patunayan sa mga taong dumadaan sa parehas kong sitwasyon na kaya nyo yan at kakayanin din. Four years ago, ako yung probinsyana girl na walang idea kung anong pwedeng mangyari sa akin dito sa Manila. Hiwalay ang parents ko at lumaki ako sa side ng tita ko. Di ko naman kinakahiya na ganito ang naging kapalaran ko. Masaya ako sa probinsya hanggang sa bigla akong ilinipat dito sa Manila para magcollege kasama ang family ni Mama. To be honest hindi naging madali sakin mag-adjust, sobrang daming challenges at ang pinakabigat is yung laban sa sarili mo mismo. First year college, gising maaga pasok school, aral, uwi agad, kilos kilos sa bahay, tulog. Ganyan ang naging routine ko hanggang sa naramdaman ko na hindi na pala ako masaya. Alam ko ...