I’M NOT TELLING YOU IT’S GOING TO BE EASY, BUT I’M TELLING YOU IT’S GOING TO BE WORTH IT.
I’M NOT TELLING YOU IT’S GOING TO
BE EASY,
BUT I’M TELLING YOU IT’S GOING TO BE WORTH IT.
Ginagawa ko ‘to para sabihin sa mga tao na lahat tayo may kanya-kanyang problema at laban na pinagdadaanan, ginawa ko to para patunayan sa mga taong dumadaan sa parehas kong sitwasyon na kaya nyo yan at kakayanin din.
Four years ago, ako yung
probinsyana girl na walang idea kung anong pwedeng mangyari sa akin dito sa Manila. Hiwalay
ang parents ko at lumaki ako sa side ng tita ko. Di ko naman kinakahiya na
ganito ang naging kapalaran ko. Masaya ako sa probinsya hanggang sa bigla akong
ilinipat dito sa Manila para magcollege kasama ang family ni Mama. To be
honest hindi naging madali sakin mag-adjust, sobrang daming challenges at ang
pinakabigat is yung laban sa sarili mo mismo.
First year college, gising maaga
pasok school, aral, uwi agad, kilos kilos sa bahay, tulog. Ganyan ang naging routine
ko hanggang sa naramdaman ko na hindi na pala ako masaya. Alam ko di naman
gusto nila mama at hindi sinasadya na maramdaman kong iba ako sakanila. Siguro
dahil na din sa mas nasanay ako sa probinsya, nanibago ako ng sobra. Di kasi
kami close talaga ni Mama at madalas mag-away kaya dumating sa point na
pakiramdam ko dati wala akong kakampi. May mga araw na pumapasok ako umiiyak, tumatambay
ako sa chapel pagpasok para manghugot ng lakas kasi pakiramdam ko talaga di ko
na kaya, may mga araw na gusto ko na lang magpunta ng bus station at umuwi ng
Vigan. Madaming beses ginusto kong sumuko. Hindi ito alam nila mama dahil hindi
ako nagsasabi sakanila kasi pakiramdam ko hindi nila ko maiintindihan.
Bago matapos ang first year
college, nagvolunteer ako maging Student Assistant ng Guidance, hanggang sa naging
official S.A. Dito unti-unting nagbago yung takbo ng buhay ko. Nagkaroon ako ng
mindset na ayokong maging pabigat sakanila. Isa sa reasons ko is gusto kong
makatulong but then hindi ko madedeny na kaya ako nagpapakabusy dahil gusto
kong iwasang mag-isip ng mga nakakapanghinang mga bagay.
Siguro will na din ni Lord na
psych ang course ko dahil natuto akong ihandle ang sarili ko sa mga moments na
gusto ko ng sumuko. Sinubukan kong maging officer ng organization, naghanap ako
ng mga scholarship, nagpaka-active sa scholarship. Yung tipong lahat ng oras
ko, busy na talaga. Sabay-sabay na work, pagiging officer at school. Naalala ko nga dati pag laging rush ang review ko sa exams laging sa dulo ng exam sinusulatan ko ng "God is in control or God is with me" pampaswerte at guidance sa short term memory na nareview. Ginusto
ko talagang mastress sa trabaho at school instead na sa pakikipaglaban sa mga pagkukulang
ko as a person or sa sariling gawa kong kalungkutan. Yung tipong ang nangyayari uuwi ako ng bahay, pagod na pagod na talaga. Papagalitan ako pero
wala akong laban dahil choice ko naman na ‘to na magpakapagod. Hindi ko alam kung anong
nangyari sa akin, basta alam ko lang dati nahihirapan ako, nasasaktan ako. Ganito
ang naging takbo ng second year ko at third year ko.
Bago natapos ang third year,
dumating ang Pedya Kamp sa buhay ko. Isa syang organization na nagbibigay oras na magpasya sa mga children with special needs. Nakakilala ako ng iba’t ibang klase ng
bata, nakasama ko sila at sila ang naging isa sa mga inspiration ko. Yung naginterview pa sakin nun before camp sabi nya, “Salamat dahil gusto
mong makatulong pero I hope makatulong din ang camp sayo at sa problema mo.”
Sabi ko kasi dati isa sa rason kaya ako sasama dahil pakiramdam ko isa ako sa
mga bata, gusto din maging masaya which is masaya na ako pag masaya sila. Mas
naging positive ako sa buhay dahil sa org na ‘to. Kaya sobrang thank you kay
Lord at nagkaroon ng PK sa buhay ko.
Sa kahit anong banda ko tignan napakaswerte ko pala sa buhay na meron ako, maling mindset lang ang meron ako dati, natalo.
Sobrang daming blessings ang binigay sakin ni Lord. Never nya kong pinabayaan,
lagi ko dati iniisip na hindi sya magbibigay ng challenge na di ko kaya. Ang
pinakamahirap na challenge pala talaga sa buhay is yung laban mo mismo sa sarili
mo, sa sarili mong utak. Siguro napakadami kong naipakitang pekeng ngiti sa apat na taon ko, kahit hinang hina na ko sa loob, yung pride ko na magpakitang okay lang ay nangingibabaw. Swerte ko nalang din sa mga nakilala kong mga kaibigan dahil walang kupas ang pagkabaliw nila.
Siguro para sa iba hindi gaano
kabigat ang pinagdaanan ko but then we all have different challenges and iba-iba ang din ang personality natin sa pagrespond sa problema. But then whatever that is that you are
going through, malalagpasan mo din yan. Just always think of the positive side
kasi pag inunahan mo ng negative, tuloy-tuloy na yan. We will survived anything by the Grace of God.
Always remember how far you’ve
come, not just how far you have to go kapag gusto mo ng sumuko. Be
bold, be courageous, be your best! :)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento